Pinalawig ng pamahalaang lungsod ang deadline ng renewal ng business permits mula January 31 hanggang sa February 14.

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Pinalawig ng pamahalaang lungsod ang deadline ng renewal ng business permits mula January 31 hanggang sa February 14.

Ito ang isinasaad ng ordinansa na “An Ordinance Extending the Deadline of the Renewal of Business Permits Without Incurring any Interest, Penalty or Surcharges for the Year 2025” na ipinasa ng mga myembro ng Sangguniang Panglungsod sa isang special session bilang tugon sa kahilingan ni Mayor Beverley Dimacuha.

Ayon kay Business Permits and Licensing Office (BPLO) representative Marlo Almarez, 11,000 pa lamang ang estimated nilang magre-renew ng kanilang negosyo hanggang kahapon (January 30) na malayo sa 14,000 na target ng kanilang tanggapan ngayong taon.

Binigyang diin niya na malaki ang bilang o volume ng business establishments at mga nagnanais magtayo ng bagong negosyo sa Batangas City.

Magandang inisyatibo aniya ito ng lokal na pamahalaan kung saan walang penalties o surcharges na kakaharapin ang mga magrerenew.

“Nasa 25% ang penalty ng mga hindi makakapag-renew plus 2% interest kung kayat ang naturang hakbang ay patunay ng pagtalima ng city government sa ease of doing business act,” sabi ni Almarez.

Sinabi naman ng kinatawan ng City Legal Office na si Arman Sanhi na wala silang nakikitang legal impediment sa aksyon na ito ng lokal na pamahalaan sapagkat naaayon aniya ito sa Batangas City Revenue Code of 2009.

Nagsimula ang application at renewal ng business permits sa Integrated Business One-Stop Shop (BOSS) sa Bay City Mall noong January 2. (PIO Batangas City)