Nagcourtesy call kay Mayor Beverley Dimacuha ang Philippine Robotics Team members ng SDO Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nakatanggap ng Robotics Excellence award sa Creative Movie category sina Ayesha Ferrer ng Banaba West Integrated School at Noah Salathiel Reyes ng Batangas City Integrated Highschool.

Ang coach nila ay ang gurong si Razel Ferrer.

Nabigyan din ng Robotics Excellence Award - Technical sina Joseph Bernard Maala at Reinald Arne Bool ng Batangas State University -The NEU sa Mission Challenge gayundin sina Gil Michael Cepillo at Kent Joeross Cueto ng Pedro S. Tolentino Memorial IS sa AI Driving.

Ginawaran din ng Robotics Excellence award sa Creative Technic category sina Miriam Ester Kendall at Justin Rico Magadia ng Paharang Integrated School.

Ang kanilang entry ay pinangalanan nilang AQUA-RISE Arduino-Driven Quality Assurance for Recycling, Improvement Sterilization and Efficiency in Aqua-culture System.

Ito ay multi-stage filtration system na naglalayong matulungan ang mga small scale farmers.

Ang IRO ay isang okasyon kung saan nagtitipon-tipon ang mga kabataan mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang ipamalas ang kanilang husay at pagmalikhain sa larangan ng robotics.

Samantala, nakasama naman ni Kendall na nagwagi ng ikalawang pwesto sa Innovative – Prototype category sa 2024 National Robotics Competition (UN Sustainable Development Goals) na ginanap sa University of Cordilleras City sa Baguio City noong January 11 si Paolo Krystopher Tampol.

Kapwa sila tumanggap ng silver medals. Ang kanilang robot ay pinangalanan nilang CLEAR WATER o Cleaning Livestock Environment with Autonomous Robotic Water Allocation and Treatment Engine for Re-use.

Maaari itong gamitin sa livestock farming partikular sa mga piggery upang muling magamit ang waste water nito .
Nagsilbing coach nila ang gurong si Rosalie Ronquillo.

Wagi naman ng ikatlong pwesto sa Sumobot Auto 3 kg sina Reyn Enrique Bool at Rica Joy Berania ng Pedro S. Tolentino Memorial Integrated School.

Ang kanilang coach ay ang gurong si Mary Grace Gayeta.

Hangad ng naturang mga mag-aaral na makahanap ng sponsors upang pondohan ang kanilang mga proyekto. (PIO Batangas City)