Nangako si Mayor Beverley Dimacuha na higit pauunlarin ang agrikultura partikular ang pagmamaisan sa lungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ito ay ayon sa kanyang mensaheng ipinaabot sa pamamagitan ni City Agriculturist Flor Alvarez sa 20th annual General Assembly ng Batangas City Corn Growers Association (BCCGA) ngayong araw, February 10.

Binigyang diin ni Mayor na ipagpapatuloy niya ang kanyang suporta sa nabanggit na samahan upang maseguro ang mas magandang ani at mas malaking kita ng mga ito.

Hiniling din niya maging aktibo ang mga miyembro ng BCCGA upang makahikayat pa ng mas maraming miyembro.
“Hindi tumitigil si Mayor Dimacuha sa pag-iisip ng mga proyektong tutugon sa pangangailangan ng mga corn growers” sabi ni Alvarez.

Tiniyak din ng Chairperson ng Committee on Agriculture ng Sangguniang Panglungsod na si Councilor Ched Atienza na mananatili ang kanyang suporta sa mga corn growers sa pamamagitan ng mga nakahaing resolusyon sa SP na magdudulot ng kapakinabangan sa mga ito.

Matatandaan na ilan sa mga suportang ipinagkakaloob ng pamahaalng lungsod sa mga corn growers ay ang technical assistance, seed subsidy, fuel subsidy para sa corn shelling at corn dryer at sa paghahanda ng lupang tataniman.
Nanatiling ang Batangas City ang number one corn producer sa lalawigan.

Ang annual assembly ay dinaluhan ng may 200 miyembro ng BCCGA.

Dumalo din sa naturang pagtitipon ang mga kinatawan mula sa Provincial Agriculture’s Office at si Coun. Andrea Macaraig. (PIO Batangas City)
#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo