Magandang balita para sa mga Sangguniang Kabataan (SK) officials sa lungsod!

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Makakatanggap ang lahat ng SK chairpersons, SK members, treasurers at secretaries sa lungsod ng halagang P 500.00 kada buwan bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon at mahalagang papel na ginagampanan sa paghubog ng mga kabataan.

Ito ang isinasaad ng ordinansa na may pamagat na An Ordinance Granting Honorarium to Sangguniang Kabataan Officials in the City of Batangas Pursuant to Republic Act No. 11768 na iniakda ni SK Federation President Marcus Manuel Castillo.

Ang naturang ordinansa ay inaprubahan ng mga myembro ng konseho sa regular na sesyon nito noong February 10.

Ito ay matatanggap quarterly at isasama sa Annual Investment Program ng pamahalaang lungsod.

Ang pagbibigay ng honorarium ay nakabatay sa attendance ng monthly meeting ng mga SK officials kung saan i-mo-monitor ito ng Local Youth Development Office (LYDO). (PIO Batangas City)