Outstanding SK at Youth Organizations sa Batangas City, pinarangalan

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pinarangalan ng pamahalaang lungsod ang mga natatanging Sangguniang Kabataan (SK) at Youth Organizations sa lungsod na may epektibong pamamahala at nakatuon sa pagbuo ng isang komunidad na may aktibong pakikilahok ng mga kabataan.
Ito ay sa pamamagitan ng Organizations and Sangguniang Kabataan Awards and Recognition (OSKAR) 2024 na isinagawa ng Local Youth Development Office (LYDO) kamakailan.

Kinilala din ng OSKAR ang mga SK na nakasumite ng mga kailangang dokumento at epektibong nakapagpatupad ng mga itinalagang programa at mga gawain.

Tinanghal na Top Performing at Most Compliant ang SK ng barangay Banaba Ibaba.
Tumanggap din sila ng EBD Golden Seal for Outstanding Youth Governance at ang SAKTO Federation para sa Youth Organization category.
Ito ay bilang pagkilala sa kanilang katangi tanging serbisyo at dedikasyon, mula sa pagpa-plano hanggang sa epektibong implementasyon ng mga program na nasasakop ng 10 centers of youth participation.

Nagpasalamat si LYD Officer Nel Magbanua sa pakikiisa ng mga SK at sa suporta nina Mayor Beverley Dimacuha, Congressman Marvey Mariño at iba pang opisyal para sa tagumpay ng OSKAR 2024.

Hangad din niya na maipagpatuloy ng SK at Youth Organizations ang mahusay na pamamahala para mas mapalakas ang kakayahan ng mga Kabataan at manatiling katuwang ang mga ito sa pag-unlad ng lungsod.

Kapwa nagpaabot ng pasasalamat sina DILG City Local Government Officer Esther Dator at City Anti- Drug Abuse Council (CADAC) Focal Person Allan Cantre.

Dumalo rin dito si Dr. Liza Gonzales ng City Health Office at mga kinatawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency. (PIO Batangas City)

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo