May 1,561 EBD scholars sa lungsod ang tumanggap ng allowance para sa first semester sa distribution na isinagawa sa People’s Quadrangle ngayong araw, November 27

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: May 1,561 EBD scholars sa lungsod ang tumanggap ng allowance para sa first semester sa distribution na isinagawa sa People’s Quadrangle ngayong araw, November 27.

Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha na nagpahayag ng kasiyahan sa tagumpay na nakamit ng mga dating benepisyaryo ng EBD Scholarship Program.

Marami aniyang mga magulang ang nagpaabot ng pasasalamat sa nasabing programa na naging susi upang sila ay makapagtapos ng pag-aaral at maging matagumpay sa ibat-ibang larangan.

Hindi rin nakalimutan ng Punonglungsod na paalalahanan ang mga iskolar sa mga hamong kinakaharap ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Kabilang dito ang teenage pregnancy, tumataas na bilang ng mga kaso ng suicide, paggamit ng ipinagbabawal na gamot at pagtaas ng HIV cases.
Kung kayat binigyang-diin niya ang kahalagahan ng edukasyon at tamang paggabay upang maprotektahan ang mga kabataan mula sa mga ito.
Ang EBD Scholarship Program ay isa sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang higit na palakasin ang sektor ng edukasyon at masiguro ang magandang kinabukasan ng mga kabataan sa lungsod. (PIO Batangas City)

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo


"