Climate Change and Waste Segregation Seminar, idinaos kaugnay ng International Environmental Month ngayong Nobyembre

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Dumalo sa Climate Change and Waste Segregation Seminar ang mga myembro ng Environmental Law Enforcement (ELE) mula sa ibat-ibang barangay sa lungsod bilang bahagi ng paggunita ng International Environmental Month ngayong Nobyembre.

Ito ay may temang “Our Land, Our Future, We #GenerationRestoration”.

Layunin ng naturang gawain na makapagbalangkas ng karagdagang proyekto at programa na makakatulong sa climate change mitigation sa lungsod.
Nagsilbing resource speaker si Zara Mae Lascano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon hinggil sa tamang paraan ng pangangasiwa ng basura.

Tinalakay din niya ang ilang batas patungkol sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ipinabatid naman ni City Environment and Natural Resources Officer Oliver Gonzales sa nasabing okasyon ang parangal na natanggap ng lungsod bilang 2nd place sa Mga Kwentong KLIMAlikasan Tungo sa Katatagan—A Climate Resiliency Recognition Awards 2024 ng DENR at Globe.

Nahirang din aniya ang Batangas City bilang isa sa may magandang programa para sa Energy Efficiency and Conservation.
Kaalinsabay ng seminar ang pagdaraos ng On the Spot Poster Making Contest na may temang “Disiplinado sa Kapaligiran: Sama-sama para sa Kinabukasan”.

Ito ay nilahukan ng mga elementary, higschool at college na mga mag-aaral mula sa pribado at pampublikong paaralan.
Nanalo ng unang gantimpala si Izaiah Sean Keon Abrenica ng Batangas City Integrated School na tumanggap ng premyong P5,000.00 at certificate.
Tumanggap naman ng cash prize na P 3,000.00 si Rhianah De Castro mula sa Batangas City High School for the Arts bilang 2nd Place at P2,000.00 para kay Maeriel Anne Joy Celis ng Pedro S. Tolentino Memorial Integrated School na nagkamit ng ikatlong pwesto.

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo



"