Mayor Dimacuha at Congressman Mariño, namahagi ng food pack sa mga IDPs

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Namahagi ng food packs sina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino sa mga internally displaced families (IDP) na nasa evacuation centers sa Batangas City, November 17.

Ayon sa tala ng Incident Management Team (IMT), may 845 pamilya o 2,605 indibidwal ang lumikas mula sa mga high-risk barangays ng lungsod.
Ang mga ito ay pansamantalang tumigil sa Itinalagang 17 evacuation centers.

Bukod pa dito ang 39 pamilya o 78 individuals na pansamantalang tumuloy sa kanilang mga kamag-anak.

Matatandaang naging maagap ang isinagawang pre-emptive evacuation ng IMT upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao.

Tiniyak ng IMT na maayos ang kalagayan ng mga IDPs habang nasa evacuation centers ang mga ito.

Siniguro din ng Team na may sapat na suplay ng pagkain, sumailalim sa medical check-up, nabigyan ng gamot ang mga may sakit, at natugon ang iba pang pangangailangan ng mga ito.

Kasama nina Mayor at Congressman sa naturang distribution si Vice Mayor Alyssa Cruz at ilang myembro ng Sangguniang Panglungsod.

#PepitoPH
#imtbatangascity
#ICS
#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo
#EBDmagkatuwangtayo



"