- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
TINGNI: Tumaas ang dengue cases ng lungsod ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
- Details
- Tuesday, 20 August 2024 - 10:40:00 AM
TINGNI: Tumaas ang dengue cases ng lungsod ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Ito ay ayon sa tala ng City Health Office (CHO) kung saan may 166 kaso ng dengue mula buwan ng Enero hanggang Agosto 2024 habang may 144 dengue cases naman noong Enero-Agosto ng taong 2023.
Ayon sa Medical Division Chief ng CHO na si Dr Ian Calingasan, tumaas ang kaso partikular nitong Hulyo at ngayong Agosto kung saan nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.
Kaugnay nito, nanawagan siya na panatilihin ang kalinisan sa mga kabahayan at kapaligiran upang maiwasan ang dengue fever.
Ang dengue ay isang viral infection na nakukuha sa kagat ng babaeng lamok na Aedes mosquito na may dalang dengue virus.
Binigyang diin niya ang 4S na paglaban sa dengue o ang Search and destroy mosquito breeding sites, Seek early consultation, Secure self protection at Support misting to prevent an impending outbreak.
Isa din aniya sa mga paraan upang maiwasan ang dengue ay ang “4 o’clock habit” scheme na paglilinis sa mga lugar na posibleng pamugaran ng lamok.
Patuloy din aniya ang CHO sa pagbibigay ng Information, Education and Communication (IEC) sa ibat-ibang barangay.
Samantala, pinag-iingat din ni Dr Calingasan ang publiko sa mpox bunsod ng pagdeklara ng World Health Organization (WHO) na ang naturang sakit ay isang global public health emergency.
Ito ay sakit na dulot ng monkey pox virus, na isang viral zoonotic infection, o sakit na maaaring maipasa sa tao mula sa hayop.
Maaari aniyang makuha ito kung may direct contact sa body fluids o skin-to-skin contact, kasama ang pagdikit sa rash o pantal ng taong mayroon nito.
Nagdudulot ito ng sugat o rashes sa ilang bahagi ng katawan na matagal mawala.
Sa nararanasan naming vog o smog sa kasalukuyan sa lalawigan na mula sa bulkan ng Taal, payo niya na iwasang lumabas ng bahay kung hindi kailangan dahil maaari itong magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan at respiratory tract kung malalanghap.
Magsuot aniya ng face mask, siguruhing nakasara ang mga pinto at bintana para hindi mapasok ng vog ang kabahayan, takpan ang ilong at bibig at maligo pagdating sa bahay.
Ipinaalala din niya na bukod sa kanilang tanggapan na bukas mula Lunes hanggang Byernes sa mga nagnanais magpakonsulta, maaari din aniyang magsadya sa mga health center sa mga barangay.
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.