TINGNI: Isang simple ngunit makahulugang paggunita ng Araw ng mga Bayani ang isinagawa ng Boy Scout of the Philippines (BSP) Batangas City Council, August 26

  1.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Isang simple ngunit makahulugang paggunita ng Araw ng mga Bayani ang isinagawa ng Boy Scout of the Philippines (BSP) Batangas City Council, August 26.

Pagkatapos ng entrance of color, inawit nila ng acapella ang Lupang Hinirang at sabay sabay na binigkas ang Panunummpa sa Watawat ng Pilipinas at Panunumpa ng Scouts.

Kaagad itong sinundan ng pag-aalay ng bulaklak sa bantayog nina Dr. Jose Rizal at Apolinario Mabini.

Ang naturang gawain ay pinangunahan ni Council Scout Executive (CSE) Serge Rex Atienza, kasama ang Training Team, Senior Scouts, Emergency Service Corps at Alliance of Batangas Leaders and Devoted Eagle Scouts.

Binigyang diin ni Atienza sa kanyang mensahe ang araw-araw na pagsasabuhay ng pagiging bayani sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa kapwa at komunidad.

“Isabuhay natin ang pagiging disiplinadong Batangueño na siyang palaging bilin ni Mayor Beverley Dimacuha at Cong, Marvey Mariño”, sabi ni Atienza

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo
#EBDmagkatuwangtayo