20 PARES, IKINASAL SA BAYSANANG BAYAN 2024

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 26 na taon nang nagsasama ang isang pareha mula sa 20 parehang nakinabang sa Baysanang Bayan 2024 na ginanap sa Batangas City Sports Center ngayong araw, July 9.

Sila ay sina Alfredo Aviles at Liana Batung ng barangay Cuta na biniyayaan ng dalawang anak. Sila ay ikinasal ni Mayor Beverley Dimacuha sa libreng mass wedding na pinangasiwaan ng Civil Registrar’s Office (CRO).

Bukod sa layuning gawing lehitimo ang pagsasama ng mga benepisyaryo, malelegitimize din ang 26 na bunga ng kanilang pagmamahalan. May red carpet, simpleng salo-salo, pre-nup at wedding photos at wedding dance upang maging memorable ang araw na ito sa mga ikinasal.

Nakatanggap din sila ng 25 kilong bigas at regalo mula sa pamahalaang lungsod habang nag-abot din ng pakimkim si Mayor Beverley. Hindi din nawala ang tradisyonal na seremonya ng subuan ng kalamay, pag toast ng alak at subuan ng cake.

Sa mensahe ni Mayor Dimacuha, binigyan diin niya na sagrado ang kasal kung kaya nararapat aniyang maging tapat sa isat-isa ang mga ito.

Hiling niya sa mga pareha na palakasin at patatagin ang pamilyang Batangueño. Lubos ang pasasalamat ng mga ikinasal sa naturang proyekto.

Nakiisa din sa nabanggit na pagtitipon sina Vice Mayor Alyssa Cruz, mga myembro ng Sangguniang Panglungsod, mga kinatawan ng Philippine Statistics Authority at si City Civil Registrar Charisma Mojares.

Katuwang ng CRO sa proyektong Baysanang Bayan 2024 na bahagi ng pagdiriwang ng 55th founding anniversary ng lungsod ng Batangas ang Cultural Affairs Committee (CAC).