- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Buwan ng Kababaihan, ipinagdiwang
- Details
- Friday, 08 March 2024 - 9:00:00 AM
Humigit kumulang sa 3,000 kababaihan sa lungsod ang lumahok sa Women’s Month celebration sa Batangas City Sports Coliseum ngayong araw, March 8.
Nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang banal na misa sa Basilica ng Immaculada Conception na dinaluhan ng women;s group mula sa ibat-ibang barangay.
Pumarada sila patungong Sports Coliseum kung saan isinagawa ang inihandang programa ng City Social Welfare & Development Office (CSWDO) at ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI).
Layunin ng pagtitipon na ipagdiwang ang tagumpay ng mga kababaihan habang kinikilala ang mga hamon na patuloy nilang kinakaharap sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay o equality.
Ayon sa mensahe ni CSWD Officer Hiyasmin Candava, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan hindi lamang sa kanilang pamilya kundi sa kaunlaran at kapakanan ng kanilang komunidad.
Tampok sa naturang programa ang pagkilala sa mga dating KALIPI Ppresident sa patuloy nilang ambag sa pagpapaunlad ng kanilang barangay.
Ginawaran ng Leadership award sina Nely Asi ng Conde Labac, Leonisa Vargas ng Tingga Itaas at Desirey Macalalad ng Talahib Pandayan habang Exemplary Service Award ang ipinagkaloob kay Cecile Bayani ng Sta Rita Karsada.
Nahirang na Best Women’s Group ang Talahib Pandayan dahil sa ipinakitang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga ito sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaang lungsod sa kanilang komunidad.
Nagdaos din ng KALIPI Got Talent na nilahukan ng 10 kababaihan mula sa ibat ibang cluster.
Tinanghal na grand winner ni Felisa Zapata mula sa Talahib Pandayan.
Ikalawang pwesto sina Cherry Lou Mercado at Madelaine Andal ng Bolbok habang 3rd prize winner si Grace Advincula ng barangay poblacion 4.
Nakiisa at nagpaabot ng pagbati sa mga kababaihan sina Mayor Beverley Dimacuha, Congressman Marvey Marino, VM Alyssa Cruz, Bokal Claudette Ambida, BM Bart Blanco at mga myembro ng Sangguniang Panglungsod "WE for Gender Equality and Inclusive Society – Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patunayan” ang tema ng Women’s Month celebration ngayong taon 2024 hanggang 2028. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.