IEC para sa road safety at disiplina, isinasagawa sa mga paaralan

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagsasagawa ng information education campaign (IEC) ang Transportation and Regulatory Office (TDRO) katuwang ang Task Force Disiplina sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Batangas hinggil sa road safety.

Itinuturo sa kanila ang pagtawid sa tamang tawiran kung naka go ang signal light, paggamit ng sidewalk at pagsunod sa mga batas trapiko upang makaiwas sa aksidente.

Binibigyang diin nila ang “disiplina” na isa sa mga adbokasiya ni Mayor Beverley Dimacuha.

Tinatagubilinan din ang mga mag-aaral na ipractice ang “Clean As You Go” (CLAYGO) gayundin ang tamang pagtatapon ng basura, pagbabawal sa pagkakalat at pagsusulat sa mga silya, pader o vandalism.

Mahigit sa 11,000 mag-aaral sa elementary at high school ang nakadalo na sa nasabing IEC na sinimulan noong Pebrero.

Nakatakda namang isagawa ito tuwing Lunes at Miyerkules ngayong buwan ng Marso. (PIO Batangas City)