- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Dating PDLs sa lungsod, tumanggap ng Negokart Project
- Details
- Thursday, 22 February 2024 - 9:00:00 AM
- Views: 884
May 10 dating Persons Deprived of Liberty (PDL) at 20 residente ng lungsod mula sa barangay Sta Rita, Calicanto at Poblacion 24 ang nabiyayaan ng Nego Kart project ng Department of Labor and Employment (DOLE), February 22.
Sila ang ikalawang batch ng beneficiaries sa ilalim ng livelihood program ng naturang kagawaran kung saan tinutulungan ang mga walang hanapbuhay na magkaroon ng pagkakakitaan.
Sa pamamagitan ng nabanggit na proyekto, makakapagsimula ng maliit na negosyo ang mga benepisyaryo.
Maliban sa mga foodcart na kanilang natanggap, binigyan din sila ng gasul na magagamit sa pagluluto.
Personal namang iniabot ni Mayor Beverley Dimacuha ang mantika, tiglilimang packs ng fishball, squid balls at kikiam gayundin ang ilan pang gamit sa pagtitinda mula sa pamahalaang lungsod.
Hiling niya sa mga benepisyaryo na pagyamanin at ingatan ang mga kagamitang ipinagkaloob sa kanila.
Pinayuhan din niya ang mga ito na pairalin ang kalinisan at magkaroon ng disiplina sa pagpapatakbo ng negosyo.
Iminungkahi din ni Mayor na maturuan sila ng isang eksperto hinggil sa financial management o paghawak ng pera upang mapalago ang kanilang kikitain mula dito.
Nagpaabot ng pasasalamat si DOLE Provincial Director Predelma Tan sa pagtangkilik at implementasyon ng pamahalaang lungsod sa kanilang mga programa.
Ipinabatid ni Labor and Employment Officer Salvacion Kalalo na ang mga benepisyaryo ay ikinuha ng kagawaran ng personal accident insurance sa GSIS sa loob ng isang taon.
Nag-abot naman si Congressman Marvey Mariño ng halagang magagamit ng mga beneficiaries upang maiuwi ang mga nego kart.
Lubos ang pasasalamat ng mga naging benepisyaryo sa proyektong kanilang natanggap.
Ang naturang pamamahagi ay pinangasiwaan ng Public Employment Service Office (PESO) na sya ring tanggapang magsasagawa ng monitoring sa mga beneficiairies.
Nakiisa din sa nabanggit na livelihood assistance distribution sina Vice Mayor Alyssa Cruz, Bokal Claudette Ambida, mga myembro ng Sangguniang Panlungsod at sina San Jose Sico Jail Male Dorm Warden JC Insp Hansel Kiwang Female Dorm Warden JInsp Clariza Ebora. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
































