- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mayor BRAD, nanawagan para sa ibayong pag-iingat sa sunog.
- Details
- Tuesday, 27 February 2024 - 9:00:00 AM
Nanawagan si Mayor Beverley Dimacuha sa publiko para sa ibayong pag-iingat laban sa sunog sa idinaos na 1st quarterly meeting ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC), February 27.
Ang panawagan ni Mayor ay bunsod ng magkakasunod na insidente ng sunog sa lungsod kung saan isa sa mga ito ay may naitalang nasawi.
Mayroon din aniyang ilang naitalang grass fire sa iba’t ibang barangay.
Kaugnay nito, inatasan niya ang Public Information Office (PIO) na mas palakasan ang information dissemination campaign hinggil sa mga pag-iingat para maiwasan ang sunog at mga kahandaang dapat gawin upang masiguro ang kaligtasan ng pamilya.
Sinabi ni City Fire Marshall, CINSP Joseph Asi na higit nilang paiigtingin ang implementasyon ng OPLAN Ligtas na Pamayanan kung saan sila ay pumupunta sa mga barangay partikular sa mga high risk areas para magbigay ng kaalaman at kasanayan sa mga residente sa pag iwas sa sunog.
Bukod dito ay marami rin aniya silang mga inihandang kaugnay na programa at mga gawain para sa Fire Prevention Month.
May koordinasyon na rin ang BFP sa Prime Water at CDRRMC Prevention and Mitigation Committee para sa pag-iinspeksyon ng mga naka instalang fire hydrants para matiyak na functional ang mga ito.
Gayun din ay nagsasagawa sila ng inspeksyon at pag-aaral para sa mga lugar na maaaring malagyan pa ng fire hydrants para sa mas mabilis na pag responde. (
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.