- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Ipatutupad na sa lungsod ang Ordinance No 22-36 S 2023 Expanded Solo Parent Welfare Ordinance of Batangas City
- Details
- Thursday, 25 January 2024 - 3:23:00 PM
TINGNI: Ipatutupad na sa lungsod ang Ordinance No 22-36 S 2023 o ang “ An Ordinance Institutionalizing the Programs, Services, Privileges and Benefits for Solo Parents and their Children, or the Expanded Solo Parent Welfare Ordinance of Batangas City”.
Ito ay akda ni Councilor Ched Atienza na naglalayong mabigyan ng komprehensibong serbisyo at pribilehiyo ang mga single parents sa lungsod.
Hangad din nito na mapangalagaan ang kanilang mga karapatan at matulungan sila sa pagtataguyod ng kanilang mga anak.
Ang solo parent ay yaong magulang na may sole parental care at support sa mga bata.
Kabilang dito ang mga byudo o byuda, napawalang bisa o annulled ang kasal at inabandona ng asawa o kinakasama, biktima ng rape, asawa ng nakakulong o nahatulang mabilanggo at hindi sapat ang mental na kapasidad.
Itinuturing ding solo parent ang asawa ng Overseas Filipino Worker (OFW) na nasa low/semi skilled worker category at wala sa bansa sa loob ng isang taon.
Gayundin ang mga unmarried mother/father, sinumang myembro ng pamilya na tumatayong legal guardian at syang nangangalaga sa mga bata at umaaktong magulang dahil sa pagkamatay, pagkawala, pag-abandona ng mga tunay na magulang.
Ang isang solo parent ay kailangang magpatala sa barangay at sasailalim sa assessment upang malaman kung kwalipikado sa mga benepisyo.
Ang aplikante ay kailangang residente ng lungsod at kumikita ng mas mababa sa poverty threshold na itinatakda ng National Economic Development Authority (NEDA).
Prayoridad sila sa scholarship programs, medical assistance, livelihood assistance, employment assistance at training programs.
Ang mga solo parent naman na kumikita ng mas mataas sa itinakdang poverty threshold ng NEDA ay makakakuha lamang ng limitadong benepisyo tulad ng flexible work schedule at leave privileges na pitong araw sa isang taon (with pay) bukod pa sa leave benefits ng isang regular na empleyado.
Isinasaad din sa naturang ordinansa na makakatanggap ng financial assistance na P 2000 ang mga mauulila ng solo parent.
Kailangang kumuha ng solo parent ID upang makinabang sa mga nabanggit na pribilehiyo.
Ang sinumang lalabag sa naturang ordinansa at mapapatunayang nagpalsipika ng mga dokumento upang makakuha ng benepisyo ay papatawan ng kaukulang parusa.
Magtatalaga ng Solo Parent Desk ang pamahalaang lungsod na pangangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.