- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Expansion ng waterworks system sa Sitio Bayanan sa barangay Pinamucan Proper, pinasinayaan.
- Details
- Friday, 26 January 2024 - 3:23:00 PM
- Views: 1291
TINGNI: Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang pagpapasinaya sa expansion ng waterworks system sa Sitio Bayanan sa barangay Pinamucan Proper, January 26.
Ito ang ikalawang waterworks project sa naturang barangay na pakikinabangan ng 100 kabahayan at nagkakahalaga ng P 4.8M.
Ayon kay Pinamucan Proper Bayanan RWSA President Analee De Castro, ang nasabing proyekto ay may 5 horse power pump at may kapasidad na 12,000 gallon na kayang makapagbigay ng sapat na suplay ng tubig sa mga residente dito.
Ito aniya ay bagong deep well source na hiningi nila sa pamahalaang lungsod upang natustusan ang kanilang pangangailangan sa tubig.
Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat si Barangay Chairman Loreto Gonito sa malaking kaginhawaang maibibigay ng nabanggit na proyektong ito sa kanilang pang araw araw na pamumuhay.
Hiniling naman nina Cong. Marino at Mayor Dimacuha na ingatan at alagaan ang proyekto para sa tuloy-tuloy na suplay ng tubig.
Nangako ang mga opisyal ng RWSA na iingatan ang proyektong kaloob ng lokal na pamahalaan at magpapatupad ng mga alituntunin para sa mas maayos na pamamahala nito.
Dumalo din sa nasabing okasyon ang ilang mga myembro ng Sangguniang Panglungsod at mga kawani ng City Planning and Development Office (CPDO). (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738























