Unang linggo ng Integrated BOSS ngayong Enero, dinagsa

  1.jpg 2.jpg

Humigit kumulang sa 1000 katao ang dumagsa sa Integrated Business One-Stop Shop (BOSS) sa Bay City Mall sa unang linggo ng Enero.
984 ang nagrenenew ng kanilang business permit habang 25 naman ang mga bagong aplikante.

May ipinatutupad na skedyul ng pagrerehistro at pagrerenew kung saan mula January 2-5 ay mga barangay sa Solid North ang mga naging kliyente dito.

Mga barangay sa Solid Poblacion naman ang maaaring magrenew kasama ang barangay Cuta, Malitam, Wawa at Sta Clara ngayong January 8-12, Solid East at Market 1,2 &3 sa January 15-19 habang Solid Upland at Solid Baybay naman sa January 22-31.

Ito y upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng lahat ng business applicants sa pagpoproseso ng new application at renewal ng business permits.
Ilang may-ari din ng negosyo sa lungsod ang piniling gamitin ang online business renewal.

Kailangan lamang na mag-log in sa Batangascity.gov.ph. (PIO Batangas City)