Rabies awareness, pinaigting

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Sa paggunita ng Rabies Awareness Month ngayong buwan, higit na pinaigting ng Office of the City Veterinary ang kampanya hinggil sa rabis sa pamamagitan ng rabies awareness seminar at anti-rabies vaccination sa Amphitheatre ng Plaza Mabini noong April 20. Layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga pet owners tungkol sa panganib na maaaring idulot ng rabies.

Nagsilbing Resource Speakers sina Veterinarian III Dr. Felicito Sawali kung saan tinalakay niya ang paksa tungkol sa Animal Rabies and Control. Binigyang diin niya na maaaring mapigilan ang rabies kung magiging responsable ang mga pet owners sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa mga alagang hayop.

Nagbigay naman ng lecture hinggil sa Human Rabies Control si Medical Program Manager for Rabies Prevention and Control Program ng City Health Office (CHO) Dr. Patrick Ruel Chavez. Pinayuhan niya ang mga dog owners na itali ang mga alagang aso sa halip na pabayaan itong gumala sa kalye dahil mas prone aniya sa rabies ang mga asong gala. Mas maiiwasan ding makakagat ang mga ito ng tao kung nakatali.

Ipinabatid ni Assistant City Veterinarian Dr. Flora Abe ang kahalagahan ng pag-tag ng mga alagang hayop upang protektahan ang mga tao mula sa sakit at upang madali ang pagkakakilanlan ng mga hayop na hindi pa nababakunahan. Nagsagawa rin ang naturang tanggapan ng pagrerehistro ng mga alagang aso at pusa upang matukoy kung sino ang mga may-ari nito. (PIO Batangas City)