Pagpapalawig sa pagbabayad at renewal ng business permits, inaprubahan

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ang Ordinance Extending the Deadlines for the Submission of Applications for Business and Payments until February 15 without penalties sa regular sesyon nito na ginanap sa OCVAS Training Center noong January 24.

Ito ay sa kahilingan ni Mayor Beverley Dimacuha na naglalayong mabigyan ng mas mahabang panahon ang mga may-ari ng negosyo.

Mula sa deadline na January 31, ito ay ini-extend hanggang ika-15 ng Pebrero.

Ang pagbabayad at renewal ay isinasagawa sa Business- One- Stop- Shop (BOSS) na matatagpuan sa 4th floor ng Bay City Mall sa ilalim ng pangangasiwa ng Business Permits and Licensing Office (BPLO).