- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Selection process para sa child representatives ng CCPC, isinagawa
- Details
- Friday, 02 December 2022 - 4:58:00 PM
Isinagawa ng Batangas City Council for the Protection of Children (CCPC) ang unang bahagi ng selection process para sa child representatives ng council noong December 1 sa Batangas City Country Club.
Ito ay nilahukan ng 20 mag-aaral na edad 15 taong gulang at pawang mga honor students at mga aktibong batang lider sa kanilang paaralan at komunidad.
Bago isinagawa ang pagpili, sumailalim ang naturang mga kabataan sa seminar hinggil sa child protection kung saan tinalakay ang United Nations Convention on the Rights of the Child (UNRC)- Children’s Right, Building Up Protective Behaviour of Children Offline at Online, Meaningful Child Participation at iba pa.
Nagkaroon din ng workshop kung saan ang mga participants ay tumukoy ng apat na itinuturing nila na pinakamalaking suliranin ng mga bata sa komunidad at kanilang mga rekomendasyon upang masolusyunan ang mga ito.
Bahagi din nito ang pagpapakilala sa kanilang sarili at pagpapabatid ng kanilang kagustuhang maging kinatawan sa konseho.
Sa pamamagitan ng secret ballot, pumili ang mga kalahok mula sa kanilang grupo ng isang babae at isang lalaki na sa tingin nila ay karapat dapat maging child representative.
Ang tatlong may pinaka maraming boto sa parehong kategorya ay sasailalim sa background investigation para matiyak ang kakayahan na maging kinatawan at boses ng mga bata sa nabanggit na council.
Nakatakdang ianunsyo ng CCPC ang mapipiling representatives sa susunod na linggo. (
Latest News
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.