- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
World AIDS Day 2022, ginunita
- Details
- Friday, 02 December 2022 - 6:30:00 PM
Ito ay ang “‘A Fair to Remember” kung saan tampok ang ibat-ibang booths sa Health Fair bilang bahagi ng awareness campaign laban sa Human Immunodeficiency Virus infection (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS).
Ilan sa mga ito ay ang booth na may palaro ala Family Feud, booth para sa poster making contest, SOGIESC balloons at booth para sa libreng HIV screening.
Tema ng World AIDS Day ay “End HIV, Act for Equality para sa Healthy Pilipinas”.
Ayon kay Dr Allen Santos, Program Manager ng HIV-STI Program ng CHO, layunin ng nasabing mga gawain na mapalaganap ang tamang kaalaman hinggil sa HIV at iba pang sexually transmitted diseases (STD) at mabawasan ang patuloy na dumadaming kaso at pagkamatay dahil nito.
Ipinabatid niya na ang Batangas City ang may pinakamataas ng kaso ng HIV sa lalawigan habang ang Batangas Province naman ang ikaapat sa may pinakamaraming kaso sa CALABARZON.
Ang HIV/AIDS ay nakukuha sa unprotected penetrative sex (anal or vaginal sexual contact) blood o blood products (sharing of infected needles and syringes), transfusion of infected blood at mother to child ( childbirth and breastfeeding of infected mother).
Mayroon aniya silang mga isinasagawang interventions at control programs sa HIV/AIDS upang maipabatid kung paano ito maiiwasan at magagamot.
Nakakabahala aniya ang resulta ng kanilang isinagawang Integrated HIV Behavioral and Serological Surveillance (IHBSS) kung saan maraming mga kabataang 15-25 taong gulang ang nag-eengage sa risky behaviour kung saan hindi lamang HIV ang maaaring makuhang sakit gayundin ang syphilis at hepatitis.
Idinagdag pa ni Dra Santos na sumailalim sa pagsasanay ang mga Medical Officers ng mga Rural Health Units (RHU) sa lungsod upang magsagawa ng libreng testing at upang maging mga HIV counsellors.
Nananawagan ang CHO na huwag matakot magpatest o huwag mag-atubuling makipag-ugnayan at pumunta sa mga health centers o sa kanilang tanggapan upang magpasuri at sumailalim sa screening upang matugunan kaagad sakaling magkaroon ng ganitong kaso. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex
P. Burgos Street, Brgy. Poblacion 17
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.