- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Action plan para sa pag sasaayos ng gumuhong pader ng Catholic Cemetery, binuo na
- Details
- Tuesday, 04 October 2022 - 4:57:48 PM
Bilang pagtalima sa tagubilin ni Mayor Beverley Dimacuha, isang action plan ang binuo ng itinalagang komite upang agarang maaksyunan ang pagsasaayos ng gumuhong pader sa Batangas City Catholic Cemetery sa barangay Kumintang Ibaba, October 6.
Ang grupo ay pinamumunuan ni City Engineer Dwight Arellano kasama ang mga kinatawan mula sa mga konsernadong tanggapan ng pamahalaang lungsod tulad ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), City Health Office (CHO), Publlic Information Office (PIO), Basilica Inmaculada Concepcion at barangay Kumintang Ibaba.
Nakapaloob sa action plan na magsasagawa ng pitong araw na panawagan ang Basilica sa pamilya ng mga nakalibing sa may 30 nitso na maapektuhan ng planong konstruksyon ng pader para mailipat ang mga ito.
Isasagawa ito sa pamamagitan ng iba’t ibang media platforms.
Kailangang nilang kumuha ng transfer permit sa City Health Office (CHO) sakaling ililipat ang labi sa ibang sementeryo.
Iginuhit na ng CEO ang plano at sinisimulan na rin nila ang budget estimate para sa kontruksyon ng mahigit sa 50 metro pader.
Ito ay ipadadala sa Basilica para sa kaukulang aksyon.
Iniulat din sa nasabing pagpupulong na nagkaroon ng clearing operation ang City Engineer’s Office (CEO), General Services Department (GSD), CDRRMO, pamunuan ng sementeryo at mga opisyal at residente ng barangay Poblacion 6 sa mga apektadong lugar.
Nailipat na sa ibang nitso ang mga labi na kinilala ng mga kamag-anak, habang nilagyan ng tag ang mga di na makilalang labi bago ito inilagay sa storage ng sementeryo.
Nagsagawa na rin ng fumigation at disinfection ang City Environment Office upang maalis ang masangsang na amoy sa lugar at nag-iwan din ito ng disinfectant sa barangay 6 para gamitin anumang oras kailanganin.
Magugunita na nangyari ang pagguho ng bahagi ng pader sa sementeryo na pag-aari ng Basilica noong September 27 dahil sa malakas na buhos ng ulan. Tatlong bahay sa barangay 6 ang nawasak habang limang pamilya ang inilikas sa evacuation center kung saan wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.
Ayon kay Punong Barangay, Arthur Torres, sa ngayon ay umalis na rin sa evacuation center ang naturang mga pamilya at pansamantalang nanunuluyan sa mga kamag-anak.
Patuloy din aniya sila sa isinasagawang clearing operation para maisiguro ang kaligtasan ng mga residente ng barangay sakaling bumuhos muli ang malakas na ulan. (
Latest News
- Nasa 51.5% ng mga kabataan sa lungsod ang aktibong nakikilahok sa mga cultural activities sa Batangas City
- May 150 pamilya sa lungsod ang nagtapos bilang benepisyaryo ng programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), September 11
- Baysanang Barangay sa Barangay Pinamucan Ibaba, pinangasiwaan ni Mayor Beverley Dimacuha.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.