City Library and Information Center, pinasinayaan.

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Iniulat ng mga myembro ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) ang mga natapos na proyekto para sa paghahanda at pagtugon sa kalamidad sa idinaos na 3rd Quarterly CDRRMC meeting noong September 30.

Ang pagpupulong ay pinamunuan ni CDRRMC Chairperson Mayor Beverley Dimacuha at dinaluhan ng mga kasapi mula sa tanggapan ng pamahalaang lungsod, mga ahensya ng pamahalaang nasyunal at pribadong sektor.

Kabilang dito ay ang mga natapos na proyekto ng City Engineer’s Office (CEO) kagaya ng repair, improvement at paglilinis ng mga kanal sa mga pangunahing lansangan sa Poblacion barangays.

Isinaayos din ang mga canal cover sa Tolentino Road, Kumintang Ibaba, D. Silang St., (Old Market), barangay 9 at iba pa.

Inayos naman ang road shoulder at driveway sa Bagong Palengke, drainage canal sa OCVAS at nagsagawa ng cleaning at declogging sa Evangelista St. sa ilan pang lugar upang maalis ang mga bara at maiwasan ang pagbaha.

Nagsagawa naman ng bundling ng mga nakalaylay na mga kable at inalis na ang hindi na ginagamit bilang bahagi ng ng clearing operation ng mga utility companies alinsunod sa Executive Order (EO) ni Mayor Dimacuha upang maiwasan ang mga panganib na maaring idulot nito.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Meralco sa mga konsernadong ahensya at kumpanya para sa line clearing at relocation ng mga poste na maaapektuhan ng construction Balagtas fly-over at sa iba pang lugar.

Ibinahagi naman ni City Social Welfare and Development Officer (CSWDO), Mila Española ang isinasagawa nilang pamamahagi ng bigas at groceries at tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng kanilang mga emergency assistance programs.

Ipinabatid din niya ang kanilang pamamahagi ng pagkain at pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensya para matiyak ang maayos na kalagayan ng mga stranded passengers sa Philippine Ports Authority (PPA) at ang kanilang camp management para mga Internally Displaced Indviduals (IDPs) noong may Super typhoon Karding. (