- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
World Rabies Day, ginunita.
- Details
- Thursday, 29 September 2022 - 4:57:51 PM
Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang pamamahagi ng dog trap sa mga opisyales ng ibat-ibang barangay sa lungsod bilang bahagi ng paggunita sa World Rabies Day, September 29.
Ang nasabing mga dog trap ay bilang tugon sa problema hinggil sa mga asong gala na maaaring nagtataglay ng rabis.
Ang rabis ay isang nakamamatay na sakit na mula sa kagat o laway ng isang hayop na may rabis.
Kung kayat binigyang diin ng Hepe ng Office of the City Veterinarian and Agricultural Services (OCVAS) na si Dra Loyola Bagui na ugaliing pabakunahan ang mga alagang aso at dapat itali o ikulong ang mga ito upang maiwasan ang pagkahawa sa sakit na dala ng asong lumalaboy sa kalye at upang maiwasan na makakagat sa sino man.
Ipinaalala din niya na ang mga may-ari ng asong nakakakagat ang sasagot sa lahat ng gastos sa pagpapagamot sa pasyente at pagpapa eksamen sa asong nakakagat.
Tinalakay ni Assistant City Veterinarian Dra Flora Abe ang responsible pet ownership sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na tirahan, tamang pagkain, pagpapabakuna laban sa rabies at pagtatali sa mga ito upang hindi gumala, siguraduhing maayos at malinis ang kulungan at dalhin sa beterinaryo kung kinakailangan.
Ipinaliwanag din niya ang tungkulin na dapat gampanan ng Barangay Rabies Control Coordinating Committee.
Sa kanyang mensahe, hiniling ni Mayor Dimacuha ang kooperasyon at pakikiisa ng mga barangay officials upang makamit ang layunin na maging rabies-free ang lungsod sa taong 2030 habang hinikayat naman ni Congressman Marvey Marino ang mga pet owners na iparehisto ang mga alagang aso.
Ang World Rabies Day ay may temang Rabies: One Health, Zero Deaths!
Kaugnay nito, magsisimula na ngayong Oktubre ang Search for Outstanding Barangay in Rabies Control and Prevention program.
Isaagawa ang monitoring at evaluation sa Enero ng susunod na taon at ang awarding naman ay sa March 2023.
Tatanggap ng P 10,000 ang barangay na magwawagi ng unang gantimpala, P 7,000 ang 2nd place at P 5,000 naman ang mananalo ng ikatlong pwesto.
Samantala, sa mga nagnanais pabakunahan ng anti-rabies vaccine ang mga alagang aso, magsadya lamang sa Livestock Division sa OCVAS o tumawag sa 7238432. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.