- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Barangay Caravan, ibinalik ng local na pamahalaan
- Details
- Friday, 23 September 2022 - 4:57:51 PM
Ibinalik muli ng pamahalaang lungsod ang Magkatuwang Tayo Barangay Caravan na naglalayong mailapit ang gobyerno sa mga tao. Ito ay ang programa na naghahatid ng mga batayan at libreng serbisyo ng ibat ibang departamento ng lokal na pamahalaan sa mga barangay sa lungsod. Unang binisita ng nasabing caravan ang barangay Talahib Pandayan noong September 23 kung saan may 500 residente ang nakinabang.
Ayon kay Mayor Beverley Dimacuha, nauna nang isinagawa ng pamahalaang lungsod ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng Barangay Action Team na inilunsad ni dating Mayor Eddie Dimacuha noong 1988 na ipinagpatuloy naman bilang Barangay Caravan ni Mayor Vilma Dimacuha. Matagal na rin aniya na planong muling isagawa ito ng kanyang administrasyon pero naantala dahil ng pandemya. Idinagdag pa niya na mas malawak at mas maraming serbisyo ang hatid ng caravan sa pakikipagtuwang ng mga pangunahing ahensya ng pamahalaang nasyunal na nasa CAlABARZON Region o mga Regional Line Agencies.
“Kami napo ang lumalapit sa inyo, para po maramdaman ninyong pinagmamalasakitan kayo ng gobyerno,” sabi ni Mayor Dimacuha Hiniling niya sa mga residente ng Talahib Pandayan na pangalagaan ang katahimikan ng kanilang lugar at tiniyak ang patuloy na suporta upang matugunan ang mga pangangailangan ng barangay.
Ayon naman kay Cong. Marvey Mariño na hatid ng caravan ang kaalwanan upang hindi na magastusan pa ng pamasahe papuntang bayan ang mga taga malalayong barangay. Nakasama nila sa okasyong ito sina Vice -Mayor Alyssa Cruz at mga konsehal ng lungsod. Mahigit sa 100 pasyente ang nabigyan ng libreng medical check-up , mga gamot at vitamins mula sa City Health Office (CHO). Tumanggap din sila ng application para sa EBD Health Card.
Nagkaloob rin ng kanilang libreng serbisyo ang City Civil Registrars Office (CRO), City ENRO, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Assessor, City Treasurers Office, Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), General Services Department, City Planning and Development office (CPDO), Business Permit and Licensing Office (BPLO), Public Information Office (PIO) at Mayors Action Center (MAC).
Naghatid din ng kanilang programa ang mga regional line agencies tulad ng Arm Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Science and Technology (DOST), TESDA, Department of Agriculture (DA),at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Namahagi naman ng pananghalian ang Marvey's Kitchen para sa lahat ng dumalo sa caravan.
Nakiisa rin sa caravan ang Batangas City PNP habang naging coordinating agency nito ang Department of Interior and Local Government (DILG).
Labis ang pasasalamat ni Punong Barangay, Mike Macalalad sa pagsasagawa ng naturang proyekto at sa patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa kanilang barangay. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex
P. Burgos Street, Brgy. Poblacion 17
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.