- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Suporta ng pamahalaang lungsod sa DepED-SDO, kinilala
- Details
- Wednesday, 21 September 2022 - 4:20:07 PM
Ginawaran ng certificate of recognition ng Department of Education-Schools Division of Batangas City (SDO) si Mayor Beverley Dimacuha bilang pagkilala at pasasalamat sa suportang ipinagkakaloob nito sa mga pampublikong paaralan sa lungsod (SY 2021-2022), September 21. Personal na tinanggap ni Mayor Dimacuha mula kay City Schools Superintendent Dr. Zaldy Bolaños ang nasabing parangal sa idinaos na LGU Forum na may temang Acknowledging the Vital Role of the LGU in the Success of SDO. Lubos ang pasasalamat ng SDO sa malaking kontribusyon ni Mayor Dimacuha sa kanilang mga plano at proyekto upang higit na mapataas ang antas ng kalidad ng edukasyon at matiyak na maayos ang kalusugan ng mga guro at mag-aaral.
Ilan dito ay ang paglalaan ng pondo sa Local School Board (LSB) para sa mga guro, pamamahagi ng mga, tablet para sa mga high school students at school supplies para sa mga mag-aaral sa kinder, at grade 1 hanggang grade 6 at laptops naman para sa mga guro. Nakikipag ugnayan din ang City Health Office (CHO) at ang EBD Monitoring Team gayundin ang mga barangay health workers para masiguro ang implementasyon ng health and safety protocols sa mga pampublikong paaralan. Namigay din ang pamahalaang lungsod ng medical and dental kits para sa mga estudyante.
Tiniyak naman ni Mayor na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang suporta sa SDO. “Ang edukasyon ang daan tungo sa isang kapaki-pakinabang, marangal at makabuluhang buhay,” sabi ni Mayor. Naglaan na rin si Mayor Dimacuha ng pondo para laboratory equipment at classroom chairs, school supplies, at construction ng Batangas City South Senior High School Building. Inaayos na rin ang pagbili ng lupa at kasunod nito ay ang konstruksyon ng gusali para sa Mahabang Parang Elementary School.
Sinabi rin ni Mayor Dimacuha na susubukan ng pamahalaang lungsod na mabigyan din ng sapatos at uniporme ang mga mag-aaral bukod pa sa school supplies. Binigyan diin niya na mahalaga ring mapangalagaan ang mental at emotional health ng mga bata. “Kailangang magsagawa ng mga trainings at parenting seminars para maturuan ang magulang ukol ditto,” dagdag pa ni Mayor Dimacuha. (PIO Batangas City)
Latest News
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.