- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mga ninakaw na gamit, narekober ng mga pulis, suspek nakabilanggo na.
- Details
- Monday, 05 September 2022 - 4:46:27 PM
Nasakote ng mga tauhan ng Batangas City Police Station (BCPS) ang suspek sa pagnanakaw ng laptop at iba pang kagamitan ng isang nursing student sa barangay Cuta Looban, September 5. Siya ay kinilalang si Norbel Mellendrez Jr., construction worker at residente ng barangay Poblacion 4.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 2:45 hanggang 2:57 ng madaling araw noong September 1 nang pasukin ng suspek ang tinitirahang boarding house ng biktima sa brgy. Cuta, Looban. Kinuha ng suspek ang Acer laptop na nagkakahalaga ng P34,000.00, Real Me Note 10 celllphone na P14,000.00 at wallet na may lamang P3,000.00 cash, ATM at mga ID cards na pag-aari ng biktima.
Positibong kinilala ang suspect mula CCTV footage ng barangay na siya ring naaresto sa illegal drug operation ng Batangas City PNP noong September 2. Si Mellendrez ay pansamantalang nakakulong sa BCPS Detention Cell at sinampahan ng mga kaso sa illegal drugs at pagnanakaw.
Lubos ang pasasalamat ng biktima na si Andrey Marie Piaduche, 20 taong gulang, sa mabilis na aksyon ng kapulisan para mabawi ang mga ninakaw nyang gamit. Hinihikayat ni OIC-City PNP Chief PLTCOL Dwight Fallurin Fonte Jr., ang mga mamamayan ng lungsod na agad i-report ang anumang iligal na gawain upang agarang maaksyunan. (PIO Batangas City)
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.