- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mga lifeguards ng beach resorts sa lungsod, nagsanay sa basic life support at water rescue
- Details
- Friday, 26 August 2022 - 4:01:57 PM
Sumailalim sa Basic Life Support training noong August 15-17 at Basic Water Safety and Rescue Training with Lifeguard Qualification Assessment naman noong August 22-26 ang may 27 lifeguards ng ibat-ibang beach resorts sa lungsod. Ito ay proyekto ng City Tourism Office na naglalayong mabigyan ng sapat na kasanayan ang mga lifeguards upang maisiguro ang kaligtasan ng mga bisita sa mga resort at makapagsalba ng buhay sa oras ng pangangailangan.
Pinuri ni OIC-City Tourism Officer, Erick Sanohan ang mga participants dahil sa kabila ng hirap na naranasan sa training ay ipinakita pa rin ng mga ito ang kagustuhang matuto. “Sa pamamagitan ng life saving skills na inyong natutunan, mas confident na kayo na humarap sa mga sakuna at makasagip ng buhay gayundin maaari na kayong makatulong ng pamahalaang lungsod sa panahon ng kalamidad,” sabi ni Sanohan.
Ipinabatid din niya niya na posibleng dumating ang panahon na maging requirement sa pagkuha ng business permit ng mga resort ang may lisensyadong lifeguard. Katuwang ng Tourism Office sa nasabing proyekto ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), na nakatulong sa pamamahala ng training at ang Philippine Red Cross Batangas Chapter na nagbigay ng pagsasanay.
Isinagawa ang water safety and rescue training sa swimming pool at sa open sea. Tumanggap ng certificate ang mga nagsipagtapos at nakatakdang makuha ang kanilang lisensya sa September 15 na ire-renew kada dalawang taon. Lubos ang pasasalamat ngga participants dumalo dahil nadagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan at sa pagkakataong maging lisensyadong mga lifeguards. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.