Special Program for Employment of Students, pormal nang nagtapos

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 180 beneficiaries ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng pamahalaang lungsod ang nagtapos sa naturang programa na idinaos sa Batangas City Convention Center, August 12. Magugunita na ang nabanggit na programa ay taunang ipinatutupad ng Batangas City government katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) na naglalayong mabigyan ng pagkakakitaan ang mga mag-aaral habang bakasyon upang may magamit na pangtustos sa kanilang mga pangangailangan sa muling pagbubukas ng klase.

Ang lungsod ang may pinakamaraming SPES grantees sa lalawigan. Sila ay nagtrabaho ng 20 araw at tatanggap ng sweldong P547.00 kada araw kung saan 60% nito ay mula sa pondo ng pamahalaang lungsod samantalang ang 40% ay manggaling sa pondo ng DOLE.

Tampok din sa nabanggit na pagtitipon ang SPES grantees Got Talent contest kung saan nanalo si Allen John Canonizado. Siya ay tumanggap ng cash prize na P 2,000.00 Bukod sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan, ilan sa mga beneficiaries ay na- assign sa Register of Deeds at ilang public high schools kung saan nagbahagi ang mga ito ng kanilang naging karanasan at mga natutunan.

Ayon kay Lenard Buan, 22 taong gulang at anim na beses nang naging SPES grantee, lubos ang pasasalamat niya sa SPES program sa malaking tulong na naidulot nito sa kanyang pag-aaral. Gagamitin aniya ang kanyang sweldo sa pagrereview para sa pagkuha ng Mechanical Engineering Board exam.

Binigyang diin ni Public Employment Service Office Manager (PESO) Noel Silang na syang namamahala sa nasabing programa sa mga SPES grantees ang value of work at work ethics. Nagpaabot din ng pagbati si Mayor Beverley Dimacuha sa mga beneficiaries. (PIO Batangas City)