Capacity Building Seminar on Local Legislation, isinasagawa ng Sangguniang Panglungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Sa layuning higit na maitaas ang antas ng kaalaman at kakayahan ng mga myembro at kawani ng Sangguniang Panglungsod (SP), isang Capacity Building Seminar on Local Legislation ang sinimulan ngayong araw, July 26. Ito ay bahagi ng serVICE ALAY SA lahat CRUZ i-Heart program ni Vice Mayor, Atty. Alyssa Cruz.

Ang naturang seminar ay bilang paghahanda din sa planong pagbubuo ng Legislative Division ng SP na siyang makakatulong ng mga elected officials sa pagsasagawa ng research at iba pang kailangan para sa pagbubuo ng mga ordinansa, resolutions at committee reports. “Bilang isang guro, naniniwala ako na dapat ay tuloy-tuloy ang pag-aaral at pagsasanay. Ang ating openness at willingness to learn ay makakatulong sa ating paglago at sa pagkakaroon ng epektibong konseho”, sabi ni Vice Mayor.

Ayon kay DILG Cluster-I Head, Lorna Silva, ilan sa mga tatalakayin sa nabanggit na seminar ay ang SP Organization, Structures, Powers and Functions, Dual Functions of Legislative Bodies, Basic Parliamentary Rules and Procedures, Rules of Procedures of Deliberative Bodies, Latest Laws and Supreme Court Rulings concerning Legislation Preparation and Drafting of Resolutions, Ordinances and Committee Reports at Budgetary Process.

Kabilang sa mga resource speakers ay sina DILG Director IV, Atty. Romeo P. Benitez, City Administrator Atty. Narciso Macarandang, Raymond Joseph Yumul, Municipality of Tingloy, Budget Officer, Jonald Bacal DPA, DILG City Director, Esther Dator at Congressman Marvey Mariño. Ang Capacity Building Seminar on Local Legislation ay tatagal hanggang July 28.(PIO Batangas City)