- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Farmer’s Market Day, inilunsad
- Details
- Sunday, 24 July 2022 - 4:18:41 PM
Inilunsad ng SM Foundation ang Kabalikat sa Kabuhayan (KSK) Farmer’s Market Day sa SM City Batangas ngayong araw, July 24. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka ng lungsod na makapagtinda ng libre ng kanilang mga produkto isang beses sa isang linggo sa nasabing mall mula ngayong Hulyo hanggang buwan ng Disyembre.
Ang mga kalahok dito ay ang mga KSK graduate na sumailalim sa 16 na linggong training program ng SM Foundation hinggil sa produksyon ng organic high-value crop farming. Sila din ay pawang mga myembro ng Batangas City Vegetable Growers Association (BCVGA). Magugunita na inilunsad ang KSK sa lungsod noong taong 2012 (Batch 49) at noong 2019 (batch 202) katuwang ang lokal na pamahalaan.
Kasama ng mga magsasaka bilang beneficiaries ng programa ang mga miyembro ng KALIPI, recipients ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s at ilang residente ng barangay Pinamucan Ibaba. Bukod sa pagkakaroon ng karagdagang kita, hangad din ng Farmer’s Market Day na maipagpatuloy ang paglinang sa kasanayan at kaalaman ng mga KSK farmer graduates at maishowcase ang mga de kalidad na prutas at gulay na kanilang mga produkto.
Katuwang ng SM Foundation ang SM Supermalls Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) sa proyektong ito. Binigyang diin ni SM City Batangas Assistant Mall Manager Engr. Bernard M. Coronel na magpapatuloy ang SM sa pagsuporta sa sektor ng agrikultura. Lubos naman ang pasasalamat ng Hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) at kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha na si Dra Loyola Bagui sa SM Foundation sa aniya ay magandang pagkakataon at malaking tulong na ipinagkaloob sa mga magsasaka ng lungsod. Dumalo din sa nasabing okasyon si City Agriculturist Flor Alvarez. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.