Pagdiriwang ng 53rd Batangas City Foundation Day, matagumpay

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Naging matagumpay ang mga gawain sa pagdiriwang ng 53rd Batangas City Foundation Day sa ilalim ng pamamahala ng Cultural Affairs Committee (CAC). Tema ng selebrasyon ngayong taon ay ang “Sambayanang Nagkakaisa”. Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Marino kasama ang mga myembro ng Sangguniang Panglungsod ang Sublian Parade.

Sakay din ng float si Ms Batangas City Foundation Day 2022 - Bb. Sharina Lexin Villena kasama ang kanyang escort na si Justine Jacinto. Highlight ng Sublian Parade ang streetdancing ng mga empleyado ng ibat-ibang departamento ng lokal na pamahalaan. Kaagad itong sinundan ng floral offering sa Plaza Mabini ng mga opisyales ng pamahalaang lungsod.

Pormal na ipinakilala sa publiko si Ms Foundation Day 2022 bago ang Misa Pasasalamat sa People’s Quadrangle. Nagkaroon din panalanging Pampagkakaisa at Pangkapayapaan na ginampanan ng mga myembro ng Batangas City Ecumenical Council.

Nagpamalas ng husay at galing sa pagsayaw ng subli ang tatlong grupo mula sa barangay Talumpok at bayan ng Agoncillo at Sinala. Pagkatapos ng maikling programa ay isinagawa ang paghahatid sa mga Mahal na Poong Sto Nino at Sta Cruz pabalik sa Basilica. (PIO Batangas City)