Pormal nang idineklara bilang National Engineering University (NEU) ang Batangas State University

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Pormal nang idineklara bilang National Engineering University (NEU) ang Batangas State University sa ceremonial declaration na isinagawa noong July 11 sa BatStateU central. Ang deklarasyon ay sa ilalim ng RA 11694 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong April 11 ng taong kasalukuyan.

Kaalinsabay ng nasabing okasyon ay ang investiture ni Dr. Tirso Ronquillo bilang kauna unahang NEU President.

Pinangunahan ni Dr. Marita Canapi- Chairman ng Board of Regents ng BatStateU at Commissioner ng CHED ang presentation of appointment at presentation of the university mace. Ang vesting of the presidents gown & hood gayundin ang imposition ng presidential medallion ay ginampanan naman ni Dr. Amelia Biglete - Director IV ng CHED.

“I devote myself and my wholehearted commitment to the university and the nation", sabi ni Pres. Ronquillo.

Nauna rito, nagkaroon ng motorcade mula Alangilan campus patungong Pablo Borbon at nagsagawa din ng press conference para sa mga local media. Pinangunahan naman nina 6th District Representative Congressman Ralph Recto at Dr Ronquillo ang ground breaking ng itatayong 10-storey dormitory at 5-storey medical & health science building.

Nakiisa sa naturang okasyon sina Mayor Beverley Dimacuha, Cong. Marvey Mariño, Cong. Ranie Abu, Cong. Lianda Bolilia, Cong. Aileen Ermita Buhain, Gov. Dodo Mandanas, Hon. Mark Go at Hon. Mark Llandro Mendoza. “Leading Innovations, Transforming Lives, Building the Nation" ang gagamiting tagline ng NEU. (PIO Batangas City)