- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Nagkamit ng karangalan bilang Cum Laude ang isa sa pitong scholars ng Alay Lakad na nagtapos sa kolehiyo ngayong taon.
- Details
- Friday, 08 July 2022 - 5:35:44 PM
Siya ay si Abigail Hazel Gutierrez ng barangay Kumintang Ilaya na nagtapos ng kursong Bachelor in Elementary Education sa Saint Bridget College. Siya at ang anim pang college scholars ay iprenesenta sa virtual meeting ng Alay Lakad Executive Committee (Execom) ngayong araw.
“Kayo ang naging inspirasyon ko upang pagbutihin ko ang aking pag-aaral at kayo ang naging daan upang matupad ko ang pangarap ng aking pamilya”, sabi ni Gutierrez. May apat na kabataan naman ang nagtapos sa senior high school.
Lubos ang pasasalamat ng mga beneficiaries sa tulong na ipinagkaloob ng Alay Lakad upang makapagtapos sila ng pag-aaral. May 35 scholars ang Alay Lakad para sa school year 2021-2022 kung saan tatlo dito ay full scholar habang may limang persons with disability (PWD).
Ang Alay Lakad isang samahang binubuo ng mga kinatawan mula sa pampubliko at pribadong tanggapan na naglalayong matulungan ang mga kabataang nabibilang sa pamilyang higit na nangangailangan na makapagtapos ng pag-aaral.
Ang pondong ginagamit sa scholarship program nito ay mula sa halagang naipon sa pagsasagawa ng “walk” tuwing buwan ng Setyembre. Nahinto ang pagsasagawa nito dahil sa pandemya kung kaya’t tinalakay sa nasabing pagpupulong ang ilang fundraising projects para maipagpatuloy ang kanilang scholarship program. (PIO Batangas City)
Latest News
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.