- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Sangguniang Panglungsod Inaugural Session, idinaos
- Details
- Tuesday, 05 July 2022 - 4:32:14 PM
Idinaos ang inaugural session ng Sangguniang Panglungsod (SP) ng Batangas ngayong araw na sya ring hudyat ng pagsisimula ng panunungkulan ng mga bagong halal na Konsehal ng lungsod.
Nagsimula ang sesyon sa pamamagitan ng pagpapakilala sa pangalawang punong lungsod na si Vice-mayor Alyssa Cruz at sa 12 myembro ng Konseho kasama ang Association of Barangay Council at Sangguniang Kabataan Federation representatives.
Naghain ng mosyon si Kagawad Nestor Boy Dimacuha para sa unang item sa mga Bagong Pag-uusapan hinggil sa adoption ng internal rules of procedure ng SP kung saan ito ang magsisilbing guide sa pagsasagawa ng sesyon. Matapos i-adopt ang unang item, binasa naman ni konsehal Oliver Macatangay ang standing committees ng SP kasama na ang chairmanship at membership ng mga ito.
Nagpaabot ng pagpapasalamat si Vice Mayor Cruz sa lahat ng sumuporta sa kaniyang kandidatura sa kaniyang inaugural speech. Aniya, sisikapin niyang tapatan ang pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng mga Batangueno. “Napakalaki ng ekspektasyon sa inyong abang lingkod subalit alam kong makakaya nating lahat ito sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan,” sabi ni Cruz Inilatag din ni Cruz ang limang puntos na nais niya aniyang magawa bago matapos ang kaniyang termino.
Una na rito ay ang pagsusulong ng epektibong talakayan kasama ang mga department heads ng lokal na pamahalaan upang mabilis na mabigyan ng aksyon ang mga kailangan ng lungsod. Ikalawa ay ang pakikipagtalakayan sa mga ahensya ng national government upang magkaroon ng malinaw na kasagutan ang mga idudulog na programa, proyekto at maging ang mga hinaing ng mga Batangenyo.
Ikatlo ay ang pagsasaayos ng Sangguniang Panglungsod website. Ikaapat ay ang pagbibigay suporta sa mga kawani ng sanggunian na nagnanais magkaroon ng dagdag na kaalaman sa pamamagitan ng mga seminar, trainings at maging mga online webinars at ang panghuli ay ang pagkakaroon ng People’s Lobby upang buksan ang SP sa mga tao at personal nilang marinig ang hiling ng mga ito.
Ipinakita niya sa pamamagitan ng isang video presentation ang perspective ng bagong gusali ng SP na inaasahang magagawa sa mga susunod na taon. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex
P. Burgos Street, Brgy. Poblacion 17
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.