- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City, host ng 3rd TERNOCON ng CCP
- Details
- Tuesday, 05 July 2022 - 4:29:24 PM
Isang Terno making convention ang isinasagawa sa lungsod ng Batangas mula July 4-10 sa Teacher’s Conference Center. Ito ay proyekto ng Cultural Exchange Department (CED) ng Cultural Center of the Philippines (CCP) katuwang ang Bench/ Suyen Corporation upang maipreserba at maipromote ang paggamit ng terno o balintawak na tawag sa kasuotan ng mga babae na may blusang may maluwang na manggas , may saya na sayad sa lupa ang haba, at kapares na pañuelo o alampay.
Layunin din nito na mabigyan ng inspirasyon ang mga baguhang designers mula sa ibat-ibang lugar sa bansa na makalikha ng mga terno na kasingganda at pulido ng gawa ng mga senior fashion designers. Sasailalim sa mentoring workshop ng mga top professional designers sa bansa ang mga participants.
Bilang host ng ikatlong TernoCon, isang welcome dinner ang isinagawa ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ng Vice-Chairman ng Cultural Affairs Committee (CAC) na si Atty. RD Dimacuha. Nagbigay ng pampasiglang bilang ang mga manunubli ng Likhang Sining Dance Co.
Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat ang Department Manager ng CED-CCP na si Chinggay Bernardo sa mainit na pagtanggap na ipinagkaloob ng lungsod sa kanila.
May 15 regional designers ang magtutunggali ngayong taon sa kompetisyon kung saan bawat finalist ay kailangang magdisenyo at lumikha ng isang cocktail balintawak terno at isang formal terno. Ito ay gaganapin sa pamamagitan ng Fashion and Cultural Showcase sa CCP sa January 2023. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 723-7299
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 740-8303
to 8306
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: (0917) 135 6219
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex
P. Burgos Street, Brgy. Poblacion 17
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.