National Resilience Month ngayong Hulyo

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

“Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan” Ito ang tema ng National Resilience Month ngayong Hulyo.

Ang paggunita ay alinsunod sa Executive Order No. 29, Series of 2017 kung saan ang dating National Disaster Consciousness month ay pinalitan ng National Disaster Resilience month. Bilang kick-off activity, nagkaroon ng motorcade ngayong araw sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Council.

Tampok dito ang mga rescue vehicles, ambulance at fire trucks ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay CDRRM Officer Rod dela Roca, mahalaga ang naturang gawain upang maipabatid sa mga mamamayan ang kahalagahan ng kahandaan sa pagdating ng mga sakuna at kalamidad. Ang pandemya aniya ay maituturing din na isang kalamidad kung kayat binibigyang konsiderasyon ang isyu ng COVID-19 prevention. Idinagdag pa niya na patuloy ang pagsasagawa ng kanilang tanggapan ng capability development at prevention and mitigation activities upang maiwasan ang anumang uri ng sakuna. (PIO Batangas City)