- Home
-
About
- General Information
- City Profile
- City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Tourist Spots
- Tourist Information
- CAREERS
- Contact Us
Mayor Beverley Dimacuha, muling nanumpa bilang alkalde ng Batangas City
- Details
- Thursday, 30 June 2022 - 1:02:00 PM
- Views: 5924
Pormal na nanumpa sa kanyang tungkulin bilang alkade ng Batangas City sa ikatlong termino si Mayor Beverley Dimacuha sa oathtaking ceremony na isinagawa sa Batangas City Convention Center, June 30.
Ang kanyang panunumpa sa tungkulin ay isinagawa sa harap ng muling nahalal na kinatawan ng ikalimang distrito ng Batangas na si Congressman Marvey Marino. Kasama ni Mayor Dimacuha ang kanilang mga anak na sina Santino, Joaquin at Victoria.
Nanumpa naman sa kanyang harapan si Vice-Mayor Alyssa Cruz.
Nanumpa din ang mga bagong halal na mga myembro ng Sangguniang Panglungsod na sina Konsehal Hamilton Blanco, Karlos Buted, Andrea Macaraig, Nestor Dimacuha, Oliver Macatangay, Nelson Chavez, Dr Jonash Tolentino, Zester Hernandez, Ched Atienza, Junjun Gamboa at Michael Villena.
Bago ang naturang seremonya, isang thanksgiving mass ang isinagawa sa pangunguna ng Parish Priest ng Immaculada Conception na si Fr. Angel Pastor. Tampok din sa nabanggit na okasyon ang pagsusulit ng dokumento ng Local Governance Transition Team na ginampanan nina City Administrator Atty Narciso Macarandang at City Accountant Sherryl Bool. (PIO Batangas City)
Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya, tanggapan ng pamahalaang lungsod at sektor ng komunidad. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
24/7 Mayor's Action Center
Hotline : 0999-222-6626
Mayor's Action Center : 786-1920
BFP Batangas City : (043) 425-7163
PNP Batangas City : 702-1974
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine
Red Cross: 0951-282-0000
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738












