EBD Blades, nagtanghal sa Concert at the Park

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Nagtanghal ang Batangas City EBD Blades sa Colorguard Alliance of the Philippines - Concert at the Park Philippines noong June 19 sa Rizal Park, Open Auditorium.
Kasabay din okasyong ito ang selebrasyon ng National Flag Day na bahagi ng pagdiriwang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan at ng kapanganakan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Sinayaw ng grupo ang “Lilok” bilang pagbibigay pugay sa mga Pilipinong iskultor at manlililok at “Kanayaw” na isang salitang Maranao na ang ibig sabihin ay pula at sumisimbolo sa pukaw na damdamim, malay at silakbo.

Ayon kay EBD Blades Director, Christopher Ramos, isang karangalan ang makapagtanghal sa isang prestihiyosong event at maging kinatawan ng lungsod ng Batangas.
Ang EBD Blades ay grupo ng mga mag-aaral sa high school at college sa lungsod.
Kabilang dito ang mga mag-aaral ng Batangas City High School for the Arts (BCHSA).
Lubos ang pasasalamat ni Ramos sa suportang ipinagkakaloob ni Mayor Beverley Dimacuha sa EBD Blades at sa paggabay ng City Council for Youth Affairs (CCYA).

“For the arts, the show must go on, patunay nito ang ating mga kabataang Batangueño na nagmamahal at nagpapahalaga sa ating sining at kultura”, sabi ni Ramos. (PIO Batangas City)