MOU sa community engagement survey, nilagdaan

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Batangas City Police Station, (BCPS), City Advisory Group (CAG) at Academe noong June 14 para sa isasagawang community engagement survey. Layunin ng naturang survey na masukat ang antas ng pagkakaunawa ng mga mamamayan sa pagtugon ng BCPS sa mga programang ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) partikular ang mga programa laban sa iligal na droga, terorismo at iba pang krimen.

Ito ay nakapaloob sa implementasyon ng PNP-P.A.T.R.O.L (Peace and Order Agenda for Transformation and Upholding of the Rule of Law) PLAN 2030 na nakatuon sa higit na pagpapabuti ng serbisyo ng kapulisan para sa katahimikan at kaayusan ng komunidad. Lumagda sa MOU sina OIC- Batangas city PNP Chief PLTCOL Salvador Solana, CAG Chairman, Armando Lazarte, Vice Chairperson, Atty. Evelyn Jovellanos at CAG members: Coun. Aileen Montalbo, PTR Mark Valdivia, John Rey Banlasan, at Marie Lualhati at kinatawan mula sa academe na si Dr. Lilibeth Virtus.

Magsisimula ang survey sa susunod na linggo at isasagawa tuwing tatlong buwan. Makakatulong ng BCPS ang CAG at academe sa pamamahagi ng survey forms sa iba’t ibang sektor sa lungsod. (PIO Batangas City)