15th Councilwide Jamborette, isinagawa ng BSP Batangas City Council

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 522 elementary at senior high school students mula sa ibat-ibang pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ang lumahok sa 15th Councilwide Jamborette ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) Batangas City Council mula June 10-12 sa El Sitio Filipino sa barangay Dumuclay. Ito ay may temang "Sustaining Growth” at dinaluhan ng 50 participants kada distrito.

Sa isang maikling programang isinagawa sa pagbubukas ng naturang okasyon, sinabi ni Mayor Beverly Dimacuha na magandang pagkakataon ang jamborette upang matutunan ng mga batang scout ang mga tungkulin at responsibilidad ng isang patrol leader at upang mahubog ang kanilang pagkatao upang maging mabuting halimbawa sa kanilang kapwa scout.

Sinabi naman ni Cong. Marvey Marino na makakatulong ang naturang gawain upang mas mahasa ang angking galing at kakayahan ng mga batang scouts upang makapaglingkod ng mahusay sa kanilang tahanan, paaralan at komunidad.

Ilan sa mga gawaing inihanda ng BSP Batangas City council ay ang palarong pinoy, basic drill for water safety and emergency preparedness, basic scout skills tulad ng basic knots tying lashing, Gender and Development, WSEP tree planting at zip line.

Tampok din sa nasabing pagtitipon ang pagpaparangal sa mga Outstanding Scout Masters na sina Council Commissioner for Training and Asst. Council Scout Executive Alfredo De Torres; Silver Tamaraw Awardee & Council Training Consultant Antonio Velasquez at Council Commissioner for Program Aster Marasigan na tumangap din ng highest distinction Gold Tamaraw Award. (PIO Batangas City)