Septage Treatment Facility, itatayo sa Batangas City

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Isinagawa ngayong araw ang groundbreaking ceremony ng itatayong 80 cubic meters per day (CMD) Septage Treatment Facility (STF) ng PrimeWater -Batangas sa barangay San Jose Sico. Katuwang ng Prime Water sa naturang proyekto ang Batangas City Water District (BCWD) at suportado ng pamahalaang lungsod.

Ang konstruksyon ng STF ay bahagi ng kanilang comprehensive management program na naglalayong maprotektahan ang kalusugan ng mga mamamayan at mapangalagan ang kalikasan sa pamamagitan ng tamang pangangasiwa at disposal ng wastewater na ginamit ng mga konsumidores upang mapigilan ang polusyon at kontaminasyon sa mga pinagkukunan ng tubig.

“With the Septage treatment Facility in the works, we can ensure the protection of groundwater sources from potential contamination, thereby ensuring a safe and portable water supply for the present and future Batangueños,” sabi ni PW Batangas Branch Manager Cristina Lipa.

Ikinatuwa naman nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang itatayong STF na anila ay pagtalima sa RA 9275 o Philippine Clean Water Act of 2004. “This is a very good news for the city, we all have been waiting, wanting for this, to ensure access to clean water, at compliant tayo sa batas.

This is also a giant step toward our commitment on environment protection and sustainable development,” ayon kay Mayor Dimacuha. Makikinabang sa proyektong ito na inaasahang matatapos ngayong taon ang may 40,000 kabahayan at mga negosyo sa lungsod. (PIO Batangas City)