- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
AIDS candlelight memorial, isinagawa
- Details
- Thursday, 19 May 2022 - 11:03:00 AM
Nagsagawa ng AIDS candlelight memorial ang City Health Office (CHO) sa training room ng Office of the City Veterinary & Agricultural Services (OCVAS) bilang bahagi ng awareness campaign nito laban sa Human Immunodeficiency Virus infection (HIV) at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) noong May 18.
Layunin ng “One Big Fight for Health and Rights of People Living with HIV” na maipalaganap ang tamang kaalaman hinggil sa HIV at iba pang sexually transmitted diseases (STD) at mabawasan ang patuloy na dumadaming kaso at pagkamatay dahil nito.
Ang HIV/AIDS ay nakukuha sa pakikipagtalik o sexual contact, blood o blood products, needle prick at mula sa gatas ng ina.
Bago ang pag-iilaw ng kandila, isang banal na misa ang isinagawa bilang pananalangin at pag-alala sa mga yumao dahil sa naturang sakit.
Tampok sa nabanggit na okasyon ang oath taking ceremony at pledge of commitment ng mga miyembro ng Local AIDS Council (LAC) sa lungsod na pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha.
Ang LAC ang siyang mamahala sa mga interventions at control programs sa HIV/AIDS upang mapalawig ang kamalayan ng mga mamamayan kung paano maiiwasan at magagamot ang AIDS.
Nananawagan ang CHO na huwag mag-atubuling makipag-ugnayan sa pumunta sa mga health centers o sa kanilang tanggapan upang magpasuri at sumailalim sa screening upang matugunan kaagad sakaling magkaroon ng ganitong kaso.
Nagpaaala rin sila na ang naturang kampanya ay hindi lamang para sa mga miyembro ng LGBT community kundi sa lahat ng mga nakikipagtalik. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 723-7299
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 740-8303
to 8306
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: (0917) 135 6219
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex
P. Burgos Street, Brgy. Poblacion 17
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.