Dimacuha, muling iprinoklamang Mayor ng Batangas City

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

Iprinoklama bilang mayor ng lungsod ng Batangas para sa kanyang ikatlong termino si Mayor Beverley Rose Dimacuha, isang araw matapos ang May 9 local elections. Ang proclamation ay pinangunahan ng mga myembro ng Board of Canvassers (BOC) sa pamumuno ni ni City Election Officer Atty. Jonathan Carungcong kasama sina City Prosecutor Bien Patulay at si Schools Division Superintendent Dr. Zaldy Bolanos sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod.

Ang iba pang iprinoklama ay ang walang kalaban na si Vice-Mayor Alyssa Cruz at mga miyembro ng Sanggguniang Panlungsod. Kabilang dito ay ang mga dating konsehal, Hamilton Blanco, at Armando Lazarte, re-electionist councilors, Karlos Buted, Oliver Macatangay, Nestor Dimacuha, Nelson Chavez, Ched Atienza, Junjun Gamboa at mga bagong konsehal na sina Andrea Macaraig, Dr Jonash Tolentino, Zester Hernandez at Michael Villena.

Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Dimacuha sa suporta at sa muling pagtitiwalang ipinagkaloob sa kanya at buong team EBD ng mga mamamayan ng lungsod. Pormal ring iprinoklama sina 3rd term- Cong., Marvey Mariño, at mga board members, Claudette Ambida at Arthur Blanco ng 5th district of Batangas na isinagawa ng Provincial BOC sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall. (PIO Batangas City)