TINGNI: May 50 residente mula sa ibat-ibang barangay sa lungsod ang dumalo sa Cattle Production and Management Seminar

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

TINGNI: May 50 residente mula sa ibat-ibang barangay sa lungsod ang dumalo sa Cattle Production and Management Seminar sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) noong March 18.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsagawa ang nasabing tanggapan ng face to face seminar mula nang magsimula ang pandemya.

Nagsilbing resource speakers mula sa Office of the Provincial Veterinarian sina Mark Angelo Buhat na tumalakay sa mga tamang paraan ng pangangalaga ng baka habang ang mga karaniwang sakit ng baka at ang lunas nito ang ipinaliwanag ni Dr Dwight Amparo.

Hinikayat ng Hepe ng OCVAS na si Dr. Loyola C. Bagui ang mga dumalong nag-aalaga ng hayop na magparehistro sa RSBSA (Registry System for Basic Sectors in Agriculture) upang makatanggap ng mga benepisyo o ayudang ipinagkakaloob ng Department of Agriculture (DA). (PIO Batangas City)