Humigit kumulang sa 100 katao ang dumagsa sa Integrated Business One-Stop Shop (BOSS) sa Bay City Mall noong ika-3 ng Enero

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

Humigit kumulang sa  100  katao ang dumagsa sa Integrated Business One-Stop Shop (BOSS) sa Bay City Mall noong ika-3 ng Enero.  

Sa pagrerehistro at pagrerenew ng mga negosyo, may ipinatutupad na skedyul   kung saan mula January 3-7 ay mga barangay sa Solid Poblacion ang maaaring magrenew kasama ang barangay Cuta, Malitam, Wawa at Sta Clara.

Sa January 10-14 ang mga taga Solid North, January 17-21 ang mga taga Solid East gayundin ang mga taga market 1,2 & 3 habang  January 24-31 naman ang mga taga Solid Upland at Solid Baybay.

Upang maiwasan ang pagkalat ng virus  at  masiguro ang kaligtasan ng lahat sa COVID-19, hinihikayat   na gawing online ang registration at renewal.

Kaugnay nito, may 20 negosyante ang nag-online application para sa Mayor’s permit.  

Ang kailangan lamang ay mag log in  sa Batangascity.gov.ph at iclick ang announcement tab.

Samantala, humigit kumulang sa 1000 katao ang pumila upang  kumuha ng sedula.

Mahigpit na  ipinatutupad  sa B.O.S.S  ang health at safety protocols  tulad ng pagsusuot ng face mask at ang physical distancing.    (PIO Batangas City)