Civic organizations at fraternities sa lungsod, tutulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Leyte

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Magpapadala ng tulong ang ibat-ibang civic organizations at brotherhood fraternities sa lungsod sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Southern Leyte.

Ito ang napagkasunduan sa pagpupulong ng mga pinuno ng nasabing samahan na pinangunahan ng Batangas City Eagles Club sa pamumuno ni Cong. Marvey Mariño noong December 20.

Binabalangkas na ng grupo ang magiging sistema ng donation drive. Maaring dalhin ang mga relief goods sa BSP Batangas City Council Office, P. Hererra St., Batangas City.(PIO Batangas City)

Maari ding magpaabot ng cash donation sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Gcash/Paymaya
Bayani R. Marabe
09178226264

Metrobank Account
Account Name: SHOOTING STAR TRADING
Account Number: 507-3-50719459-2

BDO Account
Account Name: SHOOTING STAR TRADING
Account Number: 00661009340