Mga programang pangkabuhayan sa panahon ng pandemya, higit na pinaigting

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

May 1831 free- range chicken ang ipinamahagi nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa may 183 residente ng iba’t ibang barangay sa lungsod, October 29. Ang free-range chicken ay ang mga dumalagang manok na pwede nang mangitlog.

Ang proyektong free-range chicken farming ay bahagi ng programa sa Livelihood Assistance at Economic Recovery of Small Farmers Amidst COVID-10 Pandemic ng pamahalaang lungsod na ipinatutupad ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS).

Binigyan ang mga beneficiaries ng 10 manok bawat isa kung saan ibabalik nila ang 20 sisiw mula sa papisa ng itlog upang maipamahagi sa ibang interesadong mag-alaga ng nasabing manok. Kaugnay nito, nagbigay din sina Mayor at Congressman ng 21 manual incubators sa mga Barangay Livestock and Agricultural Technicians (BLATS) upang magamit sa pagpapapisa ng itlog. Samantala, napagkalooban naman ng agricultural supplies at planting materials ang mga residente ng poblacion 1-24 sa ilalim naman ng programang Sustainable Agriculture “ Green and Growing Urban and Community Vegetable Gardening Project”.

Ito ay bilang pagpapatuloy ng dating proyekto ni Mayor Eddie Dimacuha na “Isang Puno, Isang Patpat, ating Buhay ang Katapat“ at ng proyektong Binhi Ngayon, Pagkain Bukas. Layunin nito na mapalaganap ang pagtatanim sa urban at sub urban barangays na maaaring pagkunan ng masustansyang halamang gulay at upang labanan ang hamon ng kahirapan sa pagkain dulot ng pandemya.

Kabilang sa planting materials na iponagkaloob ay ang pala, cultivator, plastic drums, sprinklers, organic fertilizers, seedling trays at iba pa. Ang mga pananim naman ay calamansi, green lemon, rambutan ,avocado papaya, assorted seeds at iba pa. Kaugnay nito, nakatakda ang distribution ng agricultural supplies at planting materials sa 17 sub-urban barangays sa November 10. Dumalo din sa nasabing pagtitipon ang ilang myembro ng Sangguniang Panglungsod at mga bagong myembro ng Team EBD. (PIO Batangas City)