CLB, nagdiriwang ng 16th Founding Anniversary

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

Isang virtual celebration ang isinagawa ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) sa pagdiriwang ng kanilang 16th Founding Anniversary na may temang “CLB @16, Serving and Thriving in Purpose, October 29.

Nagsimula ng pagdiriwang sa pamamagitan ng isang thanksgiving mass sa Basilica ng Immaculada Conception na kaagad sinundan ng isang maikling programa. Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha, binigyang diin niya na ang CLB ang katuparan ng pangarap ng kanyang ama na si dating Punonglungsod Eduardo Dimacuha na makapagbigay ng libreng tertiary education para sa mga higit na ngangailangang subalit kwalipikadong mag aaral ng lungsod.

Idinagdag pa niya na patuloy ang kanyang suportang ipagkakaloob sa CLB sa pamamagitan ng mga infrastructure development, capacity building ng faculty members nito at pagpapaigting ng EBD Magkatuwang Tayo program moral values and discipline na isa sa mga main thrust ng kanyang administrasyon.

Binati niya ang pamunuan ng nasabing paaralan sa patuloy na pagbibigay ng de kalidad na edukasyon. Nagpahayag naman ng kagalakan si College Administrator Dr Lorna Gappi na narating ng kolehiyo ang 16 na taon at nagkaroon ng pagkakataon na makapagdiwang sa kabila ng nararanasang pandemya.

Binanggit niya ang ilan sa mga naging achievement at accomplishment ng CLB sa nakaraang taon partikular ang pagkakaroon ng certification mula sa Commisssion on Accreditation Accreditation for Local Colleges and Universities (ALCUCOA) na aniya ay maituturing na “exceptional”.

Nagkaloob din ng service award para sa mga guro at non-teaching personnel na may 5 hanggang 15 taon na sa CLB. Nakiisa sa naturang okasyon ang mga Board of Trustees, faculty, staff at mga empleyado ng CLB. (PIO Batangas City)